Nasa library ako ngayon. Ang dami kong assignments :/ Pero okay lang. Keri to. May practice pa ako mamaya sa PE1 at anong oras nanaman ako makakauwi.
I’ve been so much busy and can’t even visit my blog :3
Kayrami ng nangyari sa buhay buhay.
OH YES! :D
I survived this week na may apat akong long exam at kung ano ano pang quizzes. Hopefully pasado naman yon and pasang awa man eh at least pasado pa rin.
This college:
To pass is the first priority.
To be the topnotch, is just a second priority.
Sana ma pass at ma-topnotch ang iba. Kung hindi, may next time pa naman! =))
Nakakabaliw. Nakakakaba. Nakakapraning. Nakakabobo.
- Dapat kang mag-aral at maghanda.
- Mag-ingat sa mga sinasaulo at inaaral. Minsan kung ano yung di mo sinaulo, yun pa ang lumalabas sa mga tanong.
- Intindihin, wag basta sauluhin ang mga dapat pag-aralan.
- Di porket yun lang ang diniscuss eh yun lang ang ibibigay.
- Ihanda ang mga gagamitin.
- Wag kakalimutan ang mga requirements o permit para maka-exam.
- Alamin mabuti ang lugar at oras ng exam.
- Huwag mandadaya.
- Magdasal ng totoo at galing sa puso.
- Syempre, wag mong kalimutang kumuha ng exam.
- Dapat ipasa ang exam. Kung kaya mo i-topnotch, i-topnotch mo para nakapaskil ang pangalan mo sa labas ng pinto.
- Kung hindi nakakuha, agad kausapin si prof para sa make up exam at siguraduhing may valid excuse at iba pang kelangan para maka-exam. Sayang naman ang exam, halos wala ka ng grade kapag hindi ka kumuha.
Famous line ko to at ng ibang mga masisipag na estudyanteng kagaya ko. XD
Sa mga totoong masipag: Sige na kayo na nag-aaral. Loljk! Turuan nyo nga ko please.

It’s so good to hear this from a guy. From someone who truly cares and someone who truly loves.
My Mom told me something I should remember.
“Huwag ka don sa taong selfish at ikaw lang ang nagmamahal, doon ka dapat sa taong mahal na mahal ka, pero huwag mo ring ite-take for granted. Kung mahal na mahal ka, inaalagaan ka, pinapahalagahan ka, dapat mahalin mo, alagaan mo, at pahalagahan mo rin in return.”



